Ano ang kahalagahan ng gulay sa katawan ng tao? |
Mahilig kaba sa gulay? mahalaga na may gulay sa ating diet, hanggat maaari nga may gula sa ating meal tulad ng agahan, tanghalian at hapunan. may mga taong vegetarian o piling uri lamang ng pagkain ang kinakain dahil sa relihiyon, kalusugan o sa paniniwala na mainam ito upang ma-conserve ang environment.
1. Vegan- ito ang pinaka istriktong uri ng vegetarianism, sapagkat pagkain na mula sa halaman o plants lamang ang kanilang kinakain.
2. Fruitarian- ang mga frutarian ay kumakain lamang ng mga prutas, nuts, honey at vegetable oils.
3. lactovegetarians- ang lactovegetarians ay kumakain ng gulay, prutas, gatas at mga prudoktong hango sa gatas at itlog.
Sa lahat ng mga vegetarian ang fruitarians ang may pinaka mataas na posibilidad na magkaroon ng nutrient deficiency o kakulangan ng kinakailangang sustansya.
4. lactoovovegetarians-ang lactovegetarians ay kumakain ng gulay, prutas, gatas at mga prudoktong hango sa gatas at itlog.
Kapag tama ang pagpili ng pagkain, maaaring sapat sa nutrisyon ang vegetarian diet. Base sa ilang pag-aaral, mas kakaunti ang vegetarian na nagkakasakit at pumamanw mula sa karamdaman gaya ng sakit sa puso, altapresyon, illang uri ng kanseer at diabetes. pinapakita nito na talagang malaki ang benepisyo ng gulay sa kalusugan ng tao. Talaga nmang nakakeenganyo ang maging vegetarian.
Kailangang kumpleto ang sustansya na kakainin ng taong vegetarian, lalo na kung vegan upang masiguro ang kalusugan.Iminumungkahi na ang mga sumusunod na mga pagkain ay maging bahai ng pang-araw araw na diet ng mga vegetarians.
1. Grain- tulad ng rice na makikita sa sinaing, gluten, tinapay, pansit at pasta.
2. Beans and other legumes- tulad ng mga munggo, soy beans at mga prudokto tulad ng tokwa, tufo at sou milk, kadyos, garbanzos, sitaw, green peas at iba pa.
3. Nuts- tulad ng mani at kasoy.
4. Vegetables- lalo na ang berdeng madahonat ang mga kulay dilaw na gulay gaya ng malunggay, ampalaya, kangkong, kalabasa at karot.
5. Prutas- na mayaman sa vitamin C tulad ng papaya, guava, pomelo, dalanghita, anonas, kasoy, dalites, atis, tomato, balimbing, guyabano at mangga.
6.Gatas
Nais mo bang maging vegetarian? upang makasiguro sa nutrisyon at kalusugan, mainam na kumonsulta sa doctor at nutritionist- dietitian bago kayo magdesisyon na maging vegetarian.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento