Huwebes, Marso 20, 2014

ano ang bahay kubo?




BAHAY KUBO


Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon, ay sari sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
kundol, patola, upo't kalabasa. at saka meron pa, labanos, mustasa. sibuyas, kamatis, bawang at luya, sa paligid-ligid ay puro linga.




Ang bahay kubo (Ingles: nipa hut) ay isang katutubong bahay na ginagamit sa Pilipinas. Ang katutubong bahay ay gawa sa kawayan na itinatali na magkasama, na may isang binigkis na bubong gamit ang dahon ng nipa / anahaw.
Ang bahay kubo ay ang kauna-unahang bahay ng mga katutubong Pilipino bago dumating ang mga Espanyol. Sila ay ginagamit pa rin sa araw na ito, lalo na sa mga mabukid na lugar. Iba't-ibang disenyo ng arkitektura ang makikita sa iba't-ibang tribo sa bansa, kahit na lahat ng mga ito ay sumusunod sa pagiging tiyakad bahay, kamukha sa mga matatagpuan sa kalapit na bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, Palau, at ang Mga Isla ng Pasipiko.
Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay kubo. Ang mga ito ay may apat na dingding at may isa o dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawid,o kawayan at pawid. Ang iba naman ay ginagamitan ito ng kogon sa halip na pawid. Ang haligi ay yari sa malalaki at matitigas na kahoy. Ang mga ito ay nakabaon nang may tatlong talampakan ang ilalim sa lupa at nakapatongsa malaking patag na bato. Nilalagyan din ng bato ang paligid ng haligi upang maging matatag ito. Mga maiikling poste na umaabot sa sahig ang inilalagay sa ilalim ng bahay bilang dagdag suporta.
Ang bahay na kubo ay paksa sa katutubong awitin na "Bahay Kubo" na kung saan isinasalarawan ang isang munting bahay kubo na napapaligiran sari-saring halaman. Inaawit ito ng ilang mang-aawit kabilang si Sylvia La Torre noong 1966.

3 komento: